clock

12:25

ph

ph

Pangunahing prioridad ang pagkapribado at seguridad sa 22Bet. Layunin namin ang protektahan ang iyong personal na datos at tiyakin na ang lahat ng impormasyon ay wasto at transparenteng pinangangasiwaan.

Pambungad

Ang Patakaran sa Pagkapribado na ito ay ipinaliliwanag kung paano kinokolekta, ginagamit, iniimbak, at pinoprotektahan ng 22Bet ang iyong personal na impormasyon tuwing ginagamit mo ang aming website, mobile app, at mga kalakip na serbisyong may kaugnayan sa pagpusta at paglalaro. Ibinubuod nito ang pinakamahahalagang bahagi ng kabuuan ng aming patakaran, na tinutulungan ang mga manlalaro sa Pilipinas na unawain kung paano tinatrato ang kanilang mga datos. Sa pamamagitan ng paglikha ng account o paggamit ng aming mga serbisyo, sumasang-ayon ka sa mga hakbang na inilalarawan dito.

Mga Impormasyon na Aming Kinokolekta

Ang 22Bet ay nangongolekta ng mga partikular na personal na datos upang mamahagi ng ligtas at lubos na gumaganang plataporma para sa pagpusta. Maari itong kabilangan ng:

  • Datos ng pagrehistro. Ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, mobile number, email, at impormasyon ukol sa iyong tirahan.
  • Mga dokumento para sa beripikasyon. Dokumento ng pagkakakilanlan mula sa gobyerno, patunay ng tirahan, at iba pang dokumento para sa KYC tuwing kinakailangan.
  • Datos ukol sa account at sa paglaro. Kasaysayan ng mga transaksyon, mga paboritong laro, uri ng device, at aktibidad ukol sa pag-login.
  • Impormasyon ukol sa pagbayad. Mga detalye ukol sa mga deposito o withdrawal (hindi kabilang ang mga sensitibong datos ukol sa mga numero ng card).
  • Datos ukol sa Website Usage Data. Mga detalye ukol sa cookies, mga IP address, oras ng bisita, modelo ng device, uri ng browser, at datos ukol sa kinaroroonan.

Nangongolekta lamang kami ng impormasyon na kinakailangan upang ligal na mamahagi ng serbisyo ng pagsusugal, iwasan ang pandaraya, at tumalima sa mga pandaigdig at lokal na mga kinakailangang may kaugnayan sa regulasyon.

Paano Ginagamit Iyong Impormasyon

Tinutulungan kami ng iyong datos upang patakbuhin ang plataporma sa responsableng pamamaraan.

Ginagamit namin ang iyong impormasyon para sa sumusunod:

  • Paglikha at pangangasiwa ng iyong account.
  • Pagproseso ng mga deposito, withdrawal, at bonus.
  • Pagtitiyak ng iyong pagkakakilanlan para sa seguridad at pagtalima sa batas.
  • Pag-iwas sa pandaraya, kahina-hinalang aktibidad, at pagsugal ng mga menor de edad.
  • Pagpabuti ng aming website at karanasan ng mga gumagamit nito.
  • Pagpapamahagi ng suportang pangkliyente.
  • Pagsasadya ng iyong karanasan sa gaming, kabilang ang mga nakatuon na promosyon.

Hindi kailanman ibebenta ng 22Bet ang iyong personal na impormasyon sa mga hindi otorisadong ikatlong partido.

Mga Cookies at Impormasyong Nakaimbak sa Iyong Device

Tuwing ginagamit mo ang 22Bet website, maaari kaming mag-imbak ng mga maliliit na file sa iyong device. Kabilang dito ang mga cookies at flash cookies. Ginagamit ang mga ito upang alalahanin ang iyong mga kagustuhan, pabutihin ang pagkilos ng site, at pagandahin ang iyong karanasan sa paglalaro.

Ano ang ginagawa ng cookies?

Heto ang mga pangunahing gawain ng mga cookies:

  • Tinutulungan ang wastong pagpapatakbo sa site.
  • Alalahanin ang impormasyon ukol sa pag-login at sa wikang ginagamit.
  • Sundan ang trapiko at subaybayan ang pagkilos ng site.
  • Pasadyain ang mga nilalaman ng site at mga promosyon.
  • Magpakita ng mas kaugnay na patalastas.
  • Pangangasiwa ng iyong settings ukol sa mga cookie

Heto ang kung paano pangasiwaan ang iyong settings ukol sa mga cookie—pwede kang magpasya na:

  • Pahintulutan ang lahat ng mga cookie
  • I-block ang lahat ng mga cookie
  • Burahin ang mga cookie
  • I-block ang mga cookie mula sa mga ikatlong partido
  • Paganahin ang pribadong browsing
  • I-install ang mga browser add-on upang pangasiwaan ang pagkilos ng mga cookie

Kung i-disable mo ang mga cookie, ilan sa mga feature ng 22Bet ay maaring hindi gumana sa wastong pamamaraan, kabilang ang pag-alala sa iyong mga preference ukol sa wika o sa pag-save ng iyong sesyon.

Ligal na Basehan ukol sa Pagproseso

Pinoproseso ng 22Bet ang personal na impormasyon ayon sa:

  • Iyong pahintulot (hal., sa marketing).
  • Mga obligasyong ligal.
  • Mga pangangailangan ng mga serbisyo (hal., paglikha ng account, pagproseso ng pagbayad).
  • Mga lehitimong interes (hal., seguridad ng site, pag-unlad ng karanasan ng mga gumagamit).

Pamamahagi ng Datos

Maari kaming mamahagi ng limitadong impormasyon sa mga pinagkakatiwalaang ikatlong partido kagaya ng mga:

  • Mga tagapagproseso ng pagbayad
  • Mga serbisyo ng pagtitiyak ng pagkakakilanlan
  • Mga otoridad kaugnay sa regulasyon ng mga serbisyong pangsugal
  • Mga serbisyo kontra pandraya
  • Mga ahensya ng marketing (batay lamang sa iyong pahintulot)

Hindi namin ipinamamahagi o binebenta ang iyong personal na impormasyon para sa walang kaugnayan na komersyal na layunin.

Lahat ng mga ikatlong partido ay dapat tumalima sa mga striktong pamantayan ukol sa pagkapribado at proteksyon ng datos.

Pag-Imbak at Seguridad ng Datos

Gumagamit ang 22Bet ng makabagong sistemang panseguridad upang panatiliin ang kaligtasan ng iyong impormasyon.

Ang Iyong Mga Karapatan Bilang Kliyente sa Pilipinas

Batay sa mga batas at regulasyon sa iyong lokal na hurisdiksyon, maaari kang magtaglay ng karapatan upang:

  • I-access ang iyong pansarling datos
  • Humiling ng mga pagtatama
  • Humiling ng pagbura ng hindi-kinakailangang datos
  • Bawiin ang pahintulot para sa marketing
  • Hadlangan ang pagproseso sa mga piling kaso
  • Humiling ng kopya ng iyong impormasyon

Pwede mong gamitin ang iyong mga karapatan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa aming kopunan ng suportang pangkliyente.

Responsableng Paglalaro at Patakaran ukol sa Edad

Mahigpit na ipinagbabawal ng 22Bet ang sinuman sa ilalim ng 18 anyos na magparehistro o pumusta. Tinitiyak namin ang edad at pagkakakilanlan gamit ang mga opisyal na dokumento. Sinusuportahan namin ang responsableng paglalaro at tumatalima kami sa mga pamamalakad na nakatuon sa Pilipinas, kabilang ang pag-refer sa mga organisasyong ineendorso ng PAGCOR.

Paano Makipag-ugnayan Sa Amin

Para sa mga katanungang may kaugnayan sa patakaran sa pagkapribado, pwedeng makipag-ugnay sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Email (Global Privacy Officer): policy@22bet.com
  • Security Department: security@22bet.com
  • Customer Support: support-en@22bet.com

Sa paggamit ng 22Bet website at 22Bet app, sumasang-ayon ka sa mga pagkilos na inilalarawan sa loob ng Patakaran ng Pagkapribado na ito.