clock

12:25

ph

ph

Isinusulong ng 22Bet ang ligtas at responsableng paglalaro para sa lahat ng mananayang kliyente nito sa Pilipinas. Tinitiyak ng responsableng pagsusugal na ang paglalaro ay laging nanatiling masaya sa halip na nakasasama.

Hinihikayat ng 22Bet ang bawat manlalaro na tumaya nang responsable sa pamamagitan ng pagkilala sa mga peligro, pagtatakda ng mga limitasyon, at paghingi ng saklolo tuwing kinakailangan. Ang online na pagsugal ay dapat palaging manatiling isang kasiya-siyang anyo ng libangan, at bahagi nito ay ang pag-unawa kung kailan na ito nagiging adiksyon. Sa gabay mula sa mga pandaigdigang pamantayan at mga lokal na inisyatibo ng PAGCOR, ang mga manlalarong Pilipino ay may access sa mga totoong kasangkapan, hakbang para sa kaligtasan, at propesyonal na suporta.

Ano ang Responsableng Pagsusugal?

Ang responsableng pagsusugal ay tumutukoy sa pagpusta sa kontrolado at ligtas na pamamaraan habang nananatiling batid ang mga limitasyon ukol sa pinansyal, emosyonal, at oras na ginugugol sa paglalaro. Nangangahulugan ito na dapat may malalim na pagkakaunawa ng odds, mabuting pangangasiwa ng kapital, at ang pag-iwas sa paghahabol ng talo.

Ang mga lisensyadong kompanya kagaya ng 22Bet ay sinusuporta ang responsableng paglalaro sa pamamagitan ng mga feature kagaya ng mga limitasyon sa deposito, opsyonal na pagbubukod ng sarili o self-exclusion sa wikang Inggles, at malinaw na impormasyon ukol sa ligtas na pamamalakad sa pagsusugal. Sa Pilipinas, ang PAGCOR ay isinusulong din ang patas na paglalaro, proteksyon ng bawat manlalaro, at madaling akseso sa serbisyong pangsuporta para sa mga indibidwal na apektado ng pinsala ng pagsusugal.

Mga Senyales ng Problema

Karaniwang nagsisimula ang problema sa pagsusugal sa mga senyales na hindi agad batid sa indibidwal, kaya mahalaga ang maagang pagtukoy nito. Ang karaniwang mga senyales ng peligro ay ang paggugol ng mas maraming salapi o oras na inaasahan, pagpusta para maiwasan ang stress, ang pagtago ng pagsusugal mula sa mga kaibigan at pamilya, at pagiging iritable tuwing sinusubukang huminto. Ang iba pang mga senyales ay ang pag-utang ng salapi upang magsugal, ang pagsasawalang-balaha ng responsibilidad, o ang pagkabagabag ng konsensya pagkatapos ng paglalaro. Kung ang alinman sa mga itong pagkilos ay pamilyar, marahil ay oras nang humingi ng saklolo.

Paano Kumuha ng Propesyonal na Tulong?

Maraming rekurso ang umiiral para sa mga manlalaro sa Pilipinas kung ang pagsusugal ay tumigil sa pagiging masayang anyo ng libangan. Ang PAGCOR ay namamahagi ng kumpidensyal na suporta sa pamamagitan ng Responsible Gaming Program nito, na naghahandog ng referral, edukasyon, at agarang pamamagitan. Pwedeng makipag-ugnayan ang sinuman sa PAGCOR Responsible Gaming Hotline sa pagtawag sa (02) 8807-7537 o sa pamamagitan ng pag-email sa rg@pagcor.ph para sa karagdagang gabay.

Para sa suportang emosyonal, maaari ding makipag-ugnayan ang mga manlalaro sa mga sumusnod:

  • National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline: 1553 (Luzon-wide), 0917-899-8727, or 0966-351-4518
  • Gamblers Anonymous International: gamblersanonymous.org for meetings and self-help resources
  • BeGambleAware (Global): begambleaware.org